Saturday, June 19, 2010

Will You Care? :)


Ako si MICHELLE ANNE SAMONTE QUIAMBAO. Yan ang pangalan ko. Ngunit sino ba talaga ako? Sa toto lang, di ko pa din talaga kilala ang sarili ko sa ngayon. But I know na malalaman ko din yun. Sa ngayon, sa aking pagkakaalam, isa akong prinsesa. Tama, isa akong prinsea dahil isa akong babae. Ganoon ang turing sa akin ng karamihan hindi dahil ang prinsesa ay wlang ginagawa kung di ang maging prinsesa lamng tulad ng akala ng karamihan. Isa daw akong prinsesa dahil marami akong bagay na nais gawin, taong nais tulungan at intindihin katulad ng isang prinsesa sa nasasakupan nya. Kung tatanungin nyo naman ang mga kaibigan ko, ito siguro ang maaari nilang sabihin. "Siya? Ambisyosa, maharot at masayahin." ha-ha! Bakit? masama bang mag-ambisyon para sa sarili? Totoong ambisyosa ako at di mo siguro mare-reach ang pagkaambisyosa ko. Ang ambisyon ko ang isa sa mga inspirasyon ko. Mahaba ang pasensiya ko ngunit minsan mabilis din naman uminit ang ulo ko. Lalo na sa mga taong matabil ang dila. Mabait ako kung tutuusin ngunit minsan talaga di maiiwasang makagawa ng di magandang bagay. Bakit? sa tingin nyo ba ang mga kilala at ginagalang na tao sa lipunan ay di nakakagawa ng ganun? Hay, naku... minsan talaga naiisip ko na maging maldita na ng lubusan dahil ang tao, kahit na gaanong kabaitan ang ipakita mo, meron pa ring masasabing masama tungkol sa'yo. Yan ang idea na nabuo sa isipan ko dahil sa ibang tao na nakilala ko.
Ang buhay? Para sa akin ang buhay ay isang mahabang paglalakbay na puno ng magagandang bagay at alaala. Meron din namang ding masamang bagay at alaala na di na natin gustong balikan. Na nagbigay sa'tin ng leksyon sa buhay. Sabi nga sa U.S. proverbs "Experince makes a men wise." tama naman di ba? Hay, kung di ka pa nadala sa nangyaring di maganda sa'yo, ehh.. ano ka na, non? ha-ha!
Pag-ibig? ang alam ko ito ang damdaming nakapagbibigay sigla sa bawat tao., totoo naman, diba? Katulad ng ibang babae, ninanais ko ring magkaroon ng maganda at masayang relasyon. Ngunit ang totoo mas ninanais at pinapangarap ko ang magkaroon ng matagumpay, masagana at maginhawang buhay. At di ko maikakala na dahil doon, nasaktan ako. Oo, tana.. nasaktan ako. Pero nakalipas na yun.. wala na. Naiaip ko tuloy na di pala pwedeng pagsabayin ang pag=ibig at ang pangarap. ha-ha!Kaya ang pangarap ko muna ang uunahin ko. :)
Marami pang bagay sa mundo ang nais kong alamin. Di ako nahihiyang magtanong kapag may bagay akong nais na malaman. Gusto ko ang mga taong may malalim na pangunawa at matalino. Madalas ganung mga tao ang kasama ko. Oops! di lang sa exam,ha? ha-ha! Dahil marami akong nalalaman sa kanila. Msaya din naman silang kasama. HIndi sila NERD. Marunong din naman silang magsaya. Hindi naman sa ayoko ng maga "BOBO" actually, wala naman talagang taong bobo ehh.. Yung iba tamad lang mag=isip. Ang ayoko lang talaga ang mga taong walang alam o nagpapanggap na inosente sa isang bagay. alam mo yun? Naiirita ako sa mga ganun. Kaya minsan pag may kausap akong ganun, umu-oo na lang ako at ngumingiti pero ang totoo, di ko sya pinapakinggan, ha-ha! Kaysa naman na magsalita pa ako at mapahiya sya, di ba? Kaya no comment sabay ngiti na lang ako. Ito pa ang kinaiirita ko, yung mga taong dina-down yung sarili. Hay naku.. may friend akong ganun ehh.. tinititigan ko sya sabay irap pag gumaganun sya. Tumitogil naman. Powerful pala ang mga mata ko! ha-ha! Marami pa akonh nais na ikuwento at sabihin pero mahaba na'to kaya, next time. na lang, ha? Thanks and take care! :)

No comments:

Post a Comment